Entry: Confessions of a Parfum Addict: Episode 1 Sunday, December 21, 2008



It is a little known fact that we love fragrances. Ang alam lang ng close friends namin, mahilig kami sa pentel pen, Off! lotion, isang perfume, at isang cologne. Mahilig, hindi nila alam na adik. Nung sembreak lang, na-hook ako sa xylene (FYI dahil nagpe-prepare ako ng permanent slides… hindi pa ko registered user, okie?) Pero seriously, isa sa mga kinatatakutan ng parents ko na pupuntahan ng sweldo ko pag nagtatrabaho na ko ay 1) BOOKS, and 2) PERFUMES.

Kasalanan ito ni mommy. Ang mura kong olfactory cells ay unang nakasagap ng mga mababangong bagay. Childhood scents ko ang Musk by Bettina Barty at Victoria’s Secret Vanilla Lace Hand and Body lotion (na nakakahilo). Kikay si mommy.

Isa sa malakas magtrigger sa aking limbic system ay ang Denenes, isang baby cologne na hindi ko alam noon na baby cologne pala--- akala ko natural na mabango lang ang mga stuffed toys ko. Kaya kapag nasa Toy Kingdom/Bear Cuddler/Blue Magic ako at inaamoy ko ang mga teddy bears (at nagtitinginan sakin ang mga salespeople)--- amoy synthetic fur lang. Amoy bago, pero synthetic. Swerte naman kung may sumamang fiber sa ilong pag singhot. Freebie.

Kapag tinatanong ko si mommy noon kung anong ipapabili kong pabango kay daddy, sinasabi nya palagi na “Denenes,” (kasabay ng Spring Flower by Creed, na hanggang sa ngayon ay hindi ko pa nae-experience). Ganun ako madalas pag nagpapabili, hindi ko alam ang amoy. Pag nagagandahan ako sa bote, go na. Wag mo akong simulan sa: it marries the spicy sparkle of ginger with the ice-cold softness of litchi sorbet and the suave zest of mandarin* lalala… Aamuyin ko lang yan in the end.

Anyway, sa kwento ng Denenes, wala akong  idea kahit sa itsura ng bote. May internet nga pala noh, hehe. Pero syempre hindi ko naisip yun. Hanggang sa isang araw…



               …nag-grocery kami sa SM Dasmariñas. Habang naghahanap ng whitening soap si yagami lighto para sa  pakikipagkumpetensya sa kaputian, napa-OY! ako.

OY MA!

Denenes oh!

Weh. Cologne pala. Akala ko encased in a sophisticated bottle that elegantly defines the curves of a budding lass in the meadows during the light of spring. But no. Nasa bote na may picture ng baby. Cute naman.



Dinampot ko ito, binuksan, at inamoy. Weh. Amoy katol. Naglagay ako sa kamay ng konti. MMMmmmm… Hmmm.. Weh! Amoy Peter! Amoy Bunny! Amoy Fisher Price toy train!!! (totoo, may amoy ang plastic trains at Lego pieces namin noon)

100+ ata ang presyo ng isang 50 ml bottle. Basta ang natatandaan ko lang, napa-WEH! ako. Er, next time na lang. Pag may baby na ko.


*description for Flower by Kenzo

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments